Home METRO Kelot tiklo sa panghoholdap sa coffee shop sa Bulacan

Kelot tiklo sa panghoholdap sa coffee shop sa Bulacan

100
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mangholdap sa isang coffee shop sa Barangay Kaypian, San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan, nitong gabi ng Huwebes, Hulyo 18.

Ayon kay Police Master Sergeant Rod Pating, Investigator-on-Case ng SJDM Police, pumasok sa coffee shop ang suspek sabay naglabas ng .38 na baril at nagdeklara ng holdap.

“Nagpanggap na customer ‘yung suspek pumasok sa loob ng coffee shop at nagdeklara siya ng holdap agad agad po. Kinuha niya agad ‘yung cellphone ng mga biktima isinama niya pati ‘yung dalawang customer,” pagbabahagi ni PMsg Pating sa panayam ng ABSCBN News.

Nakuha ng suspek ang limang cellphone at isang wallet.

Agad naman na nahuli ang suspek matapos na humingi ng tulong ang may-ari ng coffee shop.

“Naabutan niya doon yung mga tropa na nagpapatrolya sa lugar na yon. Humingi siya ng tulong sumama ‘yung tropa na hinabol ‘yung suspek hanggang sa sumemplang po ‘yung suspek. Nung sumemplang doon po siya nahuli,” dagdag ni PMsg Pating.

Nabawi sa suspek ang mga ninakaw na limang cellphone at isang wallet, kasama ang baril na kargado pa ng mga bala.

Ayon sa mga awtoridad, sangkot din ang suspek sa panghoholdap sa isang vape shop sa Bulacan noong mga nakaraang lingo.

“Yung modus po nitong suspek natin ay nagdadala po siya ng baril at pumapasok sa mga maliliit o tindahan ay nagdedeklara ng holdap pwersahan niya kinukuha karamihan cellphone mabilisan po. Pagkatapos niya pong magholdap po nagbibihis po itong suspek natin nagpapalit po siya ng damit,” dagdag ni PMsg Pating.

Mahaharap ang suspek sa kasong Robbery at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here