Ito na lang ang naibulalas ni Senator Bong Revilla kagabi nang sumalang sa Facebook live.
Nasa isang undisclosed hospital sa Taguig City ang mambabatas makaraang mapunit ang kanyang Achilles’ tendon.
Nangyari ito sa unang araw ng shooting ng pelikula niyang Alyas Pogi 4, a hopeful entry to this year’s 50th Metro Manila Film Festival.
Bong sustained a tear which needs to be operated on, ayon sa kanyang doktor.
Masyado raw mabilis ang pagtakbo niya sa maaksyong eksenang kinunan kasama si Ara Mina at Epy Quizon.
Sa ngayon, inaalam pa ang schedule ng kanyang operasyon.
Healing will take three to five months from the operation.
In-anticipate na raw ni Bong ang mga ganitong pangyayari, citing the fact na: “Ito ‘yung sinasabi nating hindi na tayo bumabata!”
As always, most especially when doing intense action scenes ay kaakibat na ang panganib.
Kahit sa kanyang weekend teleserye sa GMA, aksidenteng nahampas si Bong ng baril ng kanyang leading lady na si Beauty Gonzales.
Kinailangan ding lapatan ng paunang lunas si Bong kaya pansamantalang itinigil ang taping
ng serye only to resume that same day.
May dugo kasing sumirit mula sa mata ni Bong na labis na ikina-panic ni Beauty.
Nag-FB live si Bong nitong gabi ng April 16 para huminging panalangin mula sa kanyang mga supporters dahil sa kanyang napunit na tendon. Ronnie Carrasco IIi