Home ENTERTAINMENT Bong Revilla, inihayag ang sikreto sa pag-iwas sa tukso!

Bong Revilla, inihayag ang sikreto sa pag-iwas sa tukso!

MANILA, Philippines – Maganda ang katawan ngayon ni Sen. Bong Revilla. Fit na fit at halatang nasa kondisyon.

“I’m working out and nagpe-prepare ako sa next movie, yung Alyas Pogi 2.

“Siyempre, nakita mo si Alyas Pogi before, mayikas and matindi ang mga action scenes.

“Mas matindi ang makikita nila dahil may anak na si Pogi rito, isang babae at isang lalake.

“May kasama rin akong malalaking artista and magle-level up na ngayon.

“Totoo yan, sisiguraduhin namin yun,” sabi pa ni Sen. Bong.

Dumako naman ang usapan sa kanyang wife na si Cong. Lani Mercado. Ano ba talaga ang sikreto dahil isa sila sa mga showbiz couples na bumilang na ng taon ang relasyon.

“Sikreto kay lLani? Dapat magtiwala sa isa’t isa, dapat nandu’n lagi ang pagmamahalan. Yung fire, pag nawala na yun mawawalan ka ng gana.

“Ang problema hindi tinutulugan yan, pag may problema kayo talk about it para pag gising sa umaga, ayos na.

“In every man’s success, may babae and malaking tulong sa akin si Lani even at my lowest moment of my life, siya yung tumindig na nanay at tatay,” sabi niya.

For sure, sa edad ngayon ni Sen. Bong na 57 ay marami parin ng girlets ang umaaligid sa kanya.

Paano niya nare-resist ang temptation?

“Temptations? Lumalayo ako, dumidistansya. At sa bawat isa.

“Natural lang naman yun, kumbaga sa manok kapag nakakita ka ng magandang babae, natural lang na mapapatingin ka pero hanggang doon lang ‘yun,” natatawa niyang sabi.

Sa dami ng pagsubok at tsismis na dumating sa buhay nila ay nandyan pa rin si Lani.

“She is very supportive and ang pinakamaganda sa ginawa niya, yung mga anak ko, imagine, now I have a lawyer and a doctor. Tapos yung isang anak ko public servant na rin. Successful lahat.

“Isang credit na mabibigay ko kay lani yung pagpapalaki niya sa mga bata,” sabi pa niya.

Isa sa mga sinasabi ng iba ay martir daw si Lani.

“Martir, yun ang ibibigay ko na korona at medalya kay Lani, ang pagihing martir,” biro niya.

“Pagmamahal ang tawag dun dahil kung nakikita niyang masama ang ugali ko o walang kwentang ama, bakit pa siya mananatili sa tabi ko?

“Siguro nakikita niya na maganda ang puso ni Bong, na kinikiliti pa rin siya ni Bong.

“Siguro nakita ni Lani na hindi ako ganu’n para iwan niya. Hindi naman ako perfect.”

Sa ngayon ay sinabi rin ni Bong na running siya for re-election sa Senate sa year 2025.

And isa sa mga sinusulong ni Sen. Bong sa Senado ay yung pagbaba ng age ng senior to 56.

“Nasa committee level na yan kaya kapit lang,” sabi niya. JP Ignacio