Home METRO 2 estudyante sinuwag ng elf, patay

2 estudyante sinuwag ng elf, patay

CLAVERIA, Cagayan – Sinalubong na ni kamatayan ang dalawang college student matapos masangkot sa isang malagim na aksidente sa bahagi ng National Highway Culao, Claveria.

Parehong idineklarang dead on arrival (DOA) sa Northern Cagayan District Hospital sa bayan ng Sanchez Mira sina Edmar Cabuyadao 20 anyos na siyang nagmaneho sa kulong-kulong na may plakang 304-BZB at ang kasama nitong si Lloyd Lagarico 19 anyos parehong residente ng Centro Uno, Sanchez Mira.

Batay sa report ng pulisya, matulin ang takbo nina Cabuyadao at Lagarico habang binabagtas ang kahabaan ng national highway papuntang kanlurang direksiyon.

Pagdating sa palikong bahagi ng highway, sinakop ni Cabuyadao ang lane ng kasalubong na elf na may plakang ULP-629 na minamaneho ni Erwin Ilovino, 51 anyos, residente ng Magacan, Sanchez Mira.

Nagkalasog -lasog ang katawan ng dalawang namatay na biktima samantalang halos durog din o totally wreck ang sinakyan nilang kulong kulong.

Maswerte namang hindi nasugatan ang driver ng elf na si Ilovino. Rey Velasco