Home ENTERTAINMENT Angelica, naloka sa first dental visit ni Baby Bean!

Angelica, naloka sa first dental visit ni Baby Bean!

Manila, Philippines – Brave. Behaved. Cooperative.

Ilan lang ito sa mga salitang ginamit ni Angelica Panganiban bilang paglalarawan kay Amila Sabine.

Si Amila Sabine ay higit na kilala bilang si Baby Bean na anak nila ni Gregg Homan.

Buong pagmamalaki ngang ipinost ni Angelica sa Instagram ang video ng kanilang anak during her first dental visit.

Baby Bean was visibly in high spirits as she was surrounded by her dentist and a few dental staff sa loob ng clinic.

Nililiban ng mga ito si Baby Bean habang nililinis ang kanyang mga ngipin.

Ang dental procedure na ‘yon ay tinatawag na oral prophylaxis.

Game namang sumusunod sa instructions ng dentista ang cute na cute na bata.

“Bakit ganu’n? Bakit ang bilis ng panahon? Huhuhu!” post ni Angelica na hindi makapaniwalang patuloy ang paglaki ng anak.

Regular dental routine daw ang gusto ng aktres para sa anak to ensure healthy dental hygiene.

Even Angelica found her daughter unusually brave kumpara sa maraming matatakutin at the sight of a dentist.

Maging ang mga netizens ay bumilib sa tapang ni Baby Bean unlike most babies her age na huwag lang iupo sa dental chair ay ngumangawa na.

Baby Bean will only turn 2 this September 20, and for a baby like her ay kahanga-hanga nga ang kanyang tapang. Ronnie Carrasco III