Home ENTERTAINMENT Bong, Vilma, etc, sapul sa hanash ni Edu!

Bong, Vilma, etc, sapul sa hanash ni Edu!

340
0

Manila, Philippines – Kilala si Edu Manzano as the type of a person who doesn’t mince words–lalo na pagdating sa mahahalagang usapin confronting our society.

Ika nga, tamaan na kung sino ang tatamaan–keber!

Isa si dating Senator Nancy Binay na dawit sa flood control project anomaly.

Kumpiyansa lalo si Edu dahil maraming sumasang-ayon sa kanyang political stand.

Minsan nang naglingkod bilang Makati City Mayor si Edu.

Sinasabing “Binay country” ang lungsod na ito mula pa nang pamunuan ng pamilya years back.

Isa si dating Senator Nancy Binay na dawit sa flood control project anomaly.

Sa usapin ngang ito hindi na nakapagtimpi si Edu sa laganap at talamak na korapsyon.

Lantaran ang pagtutol ng aktor sa mga tinatawag na political dynasty–obyus na suportado niya ang anti-political dynasty law.

“Drain the swamp!” –ang simpleng post niya na umani ng pagsang-ayon mula sa mga netizens.

Hirit naman ng marami, unconsciously ay patungkol din ito sa mga kapwa artistang nasa pulitika.

Sa side ng dating asawang si Batangas Gov. Vilma Santos, nag-uumpisa na itong mag-build ng political dynasty with her son Ryan Christian Recto as Congressman.

Kung nagkataong nanalo si Luis bilang ka-tandem ng aktres ay “belong” sila sa “mini dynasty.”

Sapul din ang Revilla family led by former senator Bong.

Pero para kay Edu, general statement ‘yon–pinpointing no one in particular. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here