Home OPINION BONOAN PALALAYAIN, MARCOLETA IKUKULONG SA PLUNDER

BONOAN PALALAYAIN, MARCOLETA IKUKULONG SA PLUNDER

1
0

HANGGANG sa mga oras na ito, hindi pa rin maisip ng maraming mamamayan kung paano naging makatwiran ang aksyon ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na palalayain si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa kasong plunder o pandarambong habang sangkot umano ito sa bilyon-bilyong pisong kikbakan sa pondong bayan.

Sa kabilang banda, sinasabing ipaaaresto naman ni Remulla si Sen. Rodante Marcoleta sa pagtanggap ng nasa P70 milyong campaign fund mula sa mga pribadong tao para sa kandidatura nito sa pagkasenador.

Palalayain umano si Bonoan upang magsilbing state witness sa malakihang kikbakan sa pamahalaan ngunit hindi pa malinaw kung sino-sino ang mga posibleng idiin nito na kumikbak sa mga pondo na ginamit sa Department of Public Works and Highways projects, kabilang na ang P1.7 trilyon para sa flood control sa nakalipas na tatlong taon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Unang nag-react ang kampo ni dating Speaker Martin Romualdez na pinahagingan ni Remulla na posibleng nakagawa ng sabwatan bilang mastermind sa kikbakan at sinabing isa lang siya sa lahat ng mga kongresman na normal na nagdedesisyon sa kung saan gagamitin ang mga pondong bayan lalo’t trabaho nila ito.

Ngunit sa nakaraang pahayag nito, nagbanta siyang hindi niya hahayaang gawin siyang sangkalan sa iskam ng iba at kung ibabagsak man siya, hihilahin niya pababa ang iba sabay-turo sa Ehekutibo sa ilalim ni Marcos na may kagagawan sa kikbakan.

Tutol naman si Sen. Ping Lacson na maging state witness si Bonoan hangga’t hindi ito magbabalik ng at least P1 bilyong nakaw nito.

Tinututulan naman ni Marcoleta ang kasong plunder pangunahin dahil walang pondong bayan ang nanakaw rito na batayan ng plunder at hindi pribadong donasyon para sa sa kampanya sa pulitika.

Gusto lang umano siyang patahimikin sa pagsisigaw nito laban sa korapsyon na aabot kina Rumualdez at Marcos, gaya ng sa flood control.

Saan nga kaya hahantong lahat ng ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here