Home NATIONWIDE Boracay, Palawan, at Siargao, muling kinilala bilang mga nangungunang isla sa Asya

Boracay, Palawan, at Siargao, muling kinilala bilang mga nangungunang isla sa Asya

313
0

MANILA, Philippines – Muling nakamit ng Boracay, Palawan, at Siargao ang pagkilala bilang kabilang sa Top 10 Islands in Asia sa 2025 Condé Nast Traveler Readers’ Choice Awards, batay sa boto ng mahigit 700,000 international readers.

Nasa ika-4 na puwesto ang Boracay na may 90.54 puntos, ika-5 ang Palawan (90.23), at ika-7 naman ang Siargao (85.49).

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, patunay ito ng kagandahan, tatag, at malasakit ng mga lokal na komunidad sa pangangalaga ng likas na yaman ng bansa.
“This award belongs to our people, their craft, and the spirit of ‘Love the Philippines,’” aniya.

Dagdag ng Department of Tourism (DOT), pinagtitibay ng pagkilalang ito ang reputasyon ng Pilipinas bilang isang pangunahing destinasyon sa Asya.

Kabilang sa iba pang pinarangalan ay ang Phú Quốc, Vietnam (1st), Langkawi, Malaysia (2nd), Koh Samui, Thailand (3rd), at Bali, Indonesia (6th).

Hinikayat ni Frasco ang mga turista na maging responsable at suportahan ang mga lokal na komunidad upang mapanatili ang ganda at sigla ng mga isla “para sa mga susunod na henerasyon.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here