Manila, Philippines- His parents go where their son Pasig City Mayor Vico Sotto goes.
Ganoon nga katindi ang suporta ng batang political leader mula sa kanyang mga magulang–sina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes.
In fact, sumama ang Eat Bulaga host at ang aktres nang mag-file ang anak ng kanyang CoC seeking his third term.
Pinapurihan nga ni Bossing ang performance ng anak.
“Keep up the good work. He’s doing his job very well and I’m proud of him!” aniya.
Spiritual naman ang approach ng isa sa mga cast members ng Shining Inheritance sa GMA.
Ani Coney: “I lift everything up to the Lord. He is in control of everything!”
Kasabay nito’y sinopla ni Bossing ang umano’y bulok na estilo ng mga katunggali ng anak.
Malaki na raw ang pinagbago ng lungsod ng Pasig.
Maging ang mga Pasigueños ay sumasabay na rin sa pagbabago.
“Hindi na uso ang style nilang bulok! At saka matatalino na ang mga botante ng Pasig ngayon!” pagmamalaki ni Bossing.
Samantala, Mayor Vico credits his elder brother LA dahil ito raw ang nagsilbing inspirasyon niya sa landas na tinatahak.
Si LA ay anak ni Coney sa yumaong si Larry Mumar.
Dalawa ang supling ng aktres sa nasirang basketbolista.
Base sa mga nagawa ni Vico in turning Pasig around, walang pag-aalinlangan na tiyak na ang pagpapakain niya ng alikabok sa kanyang mga makakalaban! Ronnie Carrasco III