Home NATIONWIDE Boycott ng minorya sa impeachment trial ni VP Sara, pinabulaanan ni Gatchalian

Boycott ng minorya sa impeachment trial ni VP Sara, pinabulaanan ni Gatchalian

2
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang kumakalat na balita sa social media na magbo-boycott daw ang mga senador mula sa minorya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam nitong Biyernes, Setyembre 25, sinabi ni Gatchalian na wala siyang naririnig na ganoong plano.

“Well, wala naman akong naririnig na ganyan,” sabi ni Gatchalian. “In fact, mga members of the minority andito sa budget hearing, nasa Commission on Appointments, so wala naman ako naririnig na ganyan.”

Kumalat ang espekulasyon matapos magpasa ang impeachment court ng bagong patakaran sa threshold para sa conviction. Sa ilalim ng bagong ruling, hindi na bibilangin ang mga absenteng senador sa kabuuang bilang para makuha ang 2/3 votes na kailangan para ma-convict si VP Duterte.

Bumoto ng 13 pabor at 1 kontra sa bagong threshold. Anim naman ang hindi lumahok sa pagboto — lahat mula sa Senate Minority.

Dahil dito, nagsampa na ng dalawang petisyon sa Korte Suprema para kwestiyunin ang bagong threshold.

Tiniyak ni Gatchalian na hindi maaapektuhan ng mga petisyon ang nakatakdang impeachment trial.

“Tuloy. Wala namang TRO [galing sa Supreme Court] so tuloy,” pagdidiin niya.

Ang mungkahi para baguhin ang threshold ay galing kay Senator Judge Erwin Tulfo.

Aniya, kailangan ito dahil apat na senator-judges ang absent sa mga pagdinig dahil sa iba’t ibang dahilan:

1. Sen. Jinggoy Estrada – nakakulong dahil sa kasong plunder sa anomalya sa flood control projects na nagkakahalaga ng ₱573 milyon.

2. Sen. Rodante Marcoleta – nakakulong din dahil sa hindi pagdeklara ng campaign donations na ₱75 milyon.

3. Sen. Ronald “Bato” dela Rosa – nagtatago matapos maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court dahil sa drug war noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

4. Sen. Loren Legarda – naka-extended medical leave abroad dahil sa sakit sa baga.

Patuloy pa rin aniya ang paghahanda ng Senado para sa impeachment trial kahit may mga hamon sa Korte Suprema. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here