Home ENTERTAINMENT Boyet ‘di pa magre-retire, mag-slow down lang!

Boyet ‘di pa magre-retire, mag-slow down lang!

Manila, Philippines – Sinamantala ni Christopher de Leon ang pagkakataon na madalaw ang kanyang isang anak sa San Francisco, California when he was in the US of A.

Wala ngang paglagyan ang toxic work sked ni Boyet.

Upon his return ay sumalang naman siya sa taping uli ng Batang Quiapo.

Bukod dito’y aasikasuhin daw nila ni Tirso Cruz Ill ang binabalak nilang show.

Also in Boyet’s calendar of activities ay ang pagprodyus at pagdirek ng mga pelikula.

In fact, Boyet has a handful of scripts kung saan pinag-aaralan niya kung sinu-sino ang ika-cast doon.

Definitely, wala raw sa bokabularyo ng multi-awarded actor ang salitang retirement.

Aniya: “I can accept offers to do good movies but to retire? Definitely not!”

Simple lang daw ang dahilan sa likod ng kanyang pag-ayaw na talikuran completely ang showbiz.

“Du’n ako madaling mamamatay!” aniya na okey lang naman daw kung mag-i-slow down.

Like his quintessential screen partner Vilma, isa hanggang dalawang movies lang ang gustong gawin nito kada taon. Ronnie Carrasco III

Previous articleBong Go patuloy ang ayuda sa mga komunidad na nasa krisis
Next articleVAT exemption sa COVID meds, devices inalis ng FDA