Home HEALTH VAT exemption sa COVID meds, devices inalis ng FDA

VAT exemption sa COVID meds, devices inalis ng FDA

MANILA, Philippines – Naglabas ng advisory ang Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa delisting ng gamot at devices sa COVID-19 sa listahan ng Value Added Tax (VAT) Exempt Health Products.

Kabilang sa mga delisted na gamot ay iba’t-ibang paggamot para sa Covid-19, kabilang ang Acetated Ringer’s Solution, Arbidol Hydrochloride Tablets, Aspirin Capsules and Tablets, Atracurium Solutions for Injection, Azelastine Hydrochloride + Fluticasone Propionate Nasal Suspension, Balanced Multiple Replacement Solution + 5 percent Dextrose, Baricitinibtrose. , Beclometasone dipropionate + Formoterol fumarate dihydrate, Bivalirudin Lyophilized Powder for Injection (IV), Budesonide Metered Dose Inhaler, Casirivimab + Imdevimab, Cefotaxime (bilang sodium), ChAdOx1-S [recombinant] (Covid-19 Vaccine Vaccine AstraZ) Solution tablet, Clopidogrel capsule at tablet, at iba pa.
Sinabi ng FDA na ang hakbang ay aksunod ng probisyon ng republic Act (RA) No.11534, o kilala bilang Corporate recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

Sa ilalim ng RA No.11534, binigyang-diin ng ahensya na ang ilang partikular na produkto sa kalusugan, kabilang ang mga gamot para sa iba’t ibang kundisyon at mga gamot sa Covid-19 at medikal na device, ay una nang nabigyan ng VAT exemption.

Gayunpaman, sa ilalim ng batas na ito, inaatasan ang FDA na tukuyin at ipadala ang VAT-Exempt Health Products sa iba pang ahensyang nagpapatupad.

Isinasaad ng Seksyon 12 ng RA No. 11534 na ang pagbubukod sa VAT para sa mga kagamitang medikal, gamot, at bakuna na ginagamit para sa paggamot sa Covid-19 ay dapat na may bisa hanggang Disyembre 31, 2023.

Ayon dito, sinabi ng FDA na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay naglabas ng Revenue Memorandum Circular No. 7-2024, na nag-aanunsyo na ang mga produktong ito ay “hindi na magiging VAT-Exempt simula Enero 1, 2024.”

Alinsunod sa direktiba na ito, inalis ng FDA ang ilang mga gamot sa Covid-19 mula sa listahan ng VAT-Exempt Health Products, gaya ng nakadetalye sa Revenue Memorandum Circular No. 7-2024.

“The FDA Verification Portal will be updated accordingly to reflect these changes,” dagdag pa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleBoyet ‘di pa magre-retire, mag-slow down lang!
Next articleTulong ng DA sa 1,142 OrMin farmers na sapul ng El Nino umarangkada na