MANILA, Philippines – Nanumpa na si outgoing Justice Secretary Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman.
Nanumpa si Remulla kay Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen.
Kaugnay nito, itinalaga naman bilang DOJ Officer-in-Charge si Undersecretary Frederick Vida.
Si Remulla ang napili ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos mula sa shortlist ng Judicial and Bar Council para maging Ombudsman, kapalit ni Samuel Martires na nagretiro noong Hulyo 27.
Sa kanyang pagkakatalaga bilang Ombudsman, sinabi ni Remulla na hindi niya gagamitin sa pulitika ang posisyon at walang sisinuhin sa paghawak ng mga kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden