Home NATIONWIDE Boying sa balitang naospital siya: Fake news!

Boying sa balitang naospital siya: Fake news!

253
0

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga kumakalat na balita sa social media na siya umano ay isinugod sa ospital, at tinawag itong “fake news.”

Mas maaga ring pinabulaanan ng Office of the Ombudsman ang mga tsismis, kung saan sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na “fake news” ang mga ulat.

“He had a hearty sinigang this morning for breakfast,” ani Clavano.

Ayon naman kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nakapag-golf pa ang kanyang nakatatandang kapatid noong Biyernes ng umaga at nakatakdang mag-almusal kasama niya kinabukasan.

Kumalat ang maling impormasyon sa Facebook, kabilang ang mga post mula sa mga pahinang sumusuporta sa pamilya Duterte.

Isang post mula sa isang “video creator” account ang umabot sa halos 60,000 reactions at may humigit-kumulang 1,700 shares hanggang Biyernes ng gabi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here