Home NATIONWIDE 800 Pinoys sa Iran, mahigpit na binabantayan kasunod ng mga protesta

800 Pinoys sa Iran, mahigpit na binabantayan kasunod ng mga protesta

234
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng tinatayang 800 Pilipino sa Iran kasunod ng mga nagdaang protesta, ngunit walang naiulat na nasaktan o namatay sa mga Pilipino.

“There are no Filipinos reported to be affected,” ayon sa DFA.

Pinaalalahanan ang komunidad na iwasan ang hindi kinakailangang paggalaw, lalo na sa mataong lugar, at manatiling updated sa pamamagitan ng opisyal na impormasyon.

Patuloy na minomonitor ng Philippine Embassy sa Tehran ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang proteksyon at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Naiulat na anim na katao ang nasawi sa protesta, bunsod umano ng pagtaas ng presyo ng pagkain, implasyon, at pagbaba ng halaga ng Iranian rial. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here