Home NATIONWIDE BPI naghain ng smuggling charges vs vegetable importer

BPI naghain ng smuggling charges vs vegetable importer

MANILA, Philippines – Naghain ang pamahalaan ng smuggling charges laban sa Betron Consumer Goods Trading at may-ari nitong si Ronnel Manalang, sa maling pagdedeklara ng P20.8 milyong halaga ng mga produkto na napag-alamang walang phytosanitary permits.

Naghain ang Bureau of Plant Industry (BPI) ng reklamo sa Olongapo City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Food Safety Act at Plant Quarantine Law of 1978.

Ang reklamo ay nag-ugat sa pagkakakumpiska ng limang shipping containers na idineklarang frozen fish balls sa Port of Subic noong Agosto 2024.

Sa inspeksyon, nadiskubre ng mga awtoridad na ang mga container na ito ay nagkukubli ng 56,998 kilo ng carrots, at 85,626 kilo ng dilaw na sibuyas, na nagkakahalaga ng P20.8 milyon.

Sa reklamo, sinabi ni Carmela Rivera, area manager para sa National Plant Quarantine Services Division ng Subic Port, na nasamsam nila ang misdeclared produce.

Ang mga ito ay walang mandatory sanitary at
phytosanitary import clearances, na nagsisigurong ang mga produktong ito ay sumusunod sa umiiral na standards para maprotektahan ang kalusugan ng mga tao, halaman at hayop, at maiwasan ang pagkalat ng sakit.

“Further analysis revealed traces of E. coli and unregistered pesticide residues on the seized produce,” saad sa pahayag ng Department of Agriculture (DA).

Nauna nang ipinatawag ang Betron at si Manalang ngunit inindyan nito ang show-cause order na inisyu sa kanila, dahilan para maghain ng reklamo ang BPI noong Disyembre 9, 2024 na nagresulta sa pagbawisa importation license ng Betron.

Blacklisted na rin ang mga ito sa pakikilahok sa mga operasyon sa agricultural sector.

Ang mapapag-alaman na guilty sa paglabag sa
Food Safety Act ay mahaharap sa multang mula P50,000 hanggang P500,000 at suspensyon, o permanent revocation ng authorization to operate a food business. RNT/JGC