Home NATIONWIDE BPOs para sa gambling firms dapat iligtas sa POGO ban – PAGCOR

BPOs para sa gambling firms dapat iligtas sa POGO ban – PAGCOR

90
0

Sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chairman Alejandro Tengco nitong Martes na nais niyang iligtas ang special Business Process Outsourcing (BPOs) para sa mga gambling firms mula sa pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators, na nagsasabing hindi sila direktang sangkot sa pagsusugal at libu-libong trabahong Pilipino ang maliligtas.

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Tengco na nag-aalok ito ng suhestyon sa mataas na level ng pagpupulong kasama ang mga miyembro ng kabinete sa darating na mga araw.

“Sayang, nanghihinayang lang ako. Wala po akong pinanggagalingan kundi panghihinayang lang,” sabi ni Tengco. . “Pero kung sabihin nila ‘Hindi, mask lang ‘yan na gagamitin para sa [Internet Gaming Licensee]’ I will respect and we follow.”

“I am not lobbying, I’m just making a suggestion,” dagdag pa ng Pagcor chief.

Sinabi ni Tengco na nabanggit na niya ang kanyang mungkahi na panatilihin ang operasyon ng 12 special BPO kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nag-utos ng total ban ng lahat ng POGO, kabilang ang 43 Internet Gaming Licensees (IGLs), sa pagtatapos ng taon.

Libu-libong manggagawa — dayuhan at Pilipino — ang mawawalan ng trabaho sa pag-alis ng mga POGO sa bansa.

Ang 12 special BPO — na nagseserbisyo sa mga kumpanya ng pasugalan na nakabase sa Australia, Canada, Europe, at United States — ay gumagamit ng mahigit 9,000 manggagawang Pilipino, sabi ni Tengco, at idinagdag na anim na kumpanya pa ang nag-aaplay para sa mga espesyal na BPO permit.

Gayunpaman, nagpahayag ng pangamba si Sen. Sherwin Gatchalian sa mungkahi ni Tengco, at sinabing kailangan itong pag-aralan nang mabuti. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here