Home NATIONWIDE Brigada Eskwela SY 2024-2025 kasado sa Hulyo 22-27

Brigada Eskwela SY 2024-2025 kasado sa Hulyo 22-27

MANILA, Philippines- Itinakda ang Brigada Eskwela for School Year (SY) 2024-2025 sa Hulyo 22 hanggang 27, ayon sa Department of Education (DepEd).

Muling gagamitin ang temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan” para sa aktibidad ngayong taon, base sa DepEd Memorandum No.33-2024 na ipinalabas nitong Miyerkules, Hulyo 10.

Ang Brigada Eskwela ay taunang maintenance program na humihikayat sa mga estudyante, guro, magulang at iba pang tauhan na maglaan ng oras at resources upang matiyak na handa ang mga paaralan sa pagbubukas ng mga klase.

“The National Brigada Eskwela Kick-off Program shall be held on July 17, 2024, at Carmen National High School, in the Schools Division of Office (SDO) of Cebu Province VII, to be streamed live via DepEd Philippines official Facebook page,” saad sa memorandum.

“Regional offices and SDOs may hold their own advocacy activities in their area to launch and campaign for Brigada Eskwela,” dagdag pa rito.

Sinabi ng DepEd na kasado ang enrollment period para sa SY 2024-2025 mula Hulyo 3 hanggang 26 dahil magsisimula ang klase sa Hulyo 29, 2024, at matatapos sa Mayo 16, 2025. RNT/SA