Home NATIONWIDE Japan nag-sorry sa WW2 ‘comfort women’

Japan nag-sorry sa WW2 ‘comfort women’

MANILA, Philippines- Muling humingi ng paumahin ang Japan para sa paghihirap na ipinaranas ng Japanese soldiers sa Filipino “comfort women” sa panahon ng Second World War.

Sinabi ni Japan Ministry of Foreign Affairs deputy press secretary Kaneko Mario na matagal na silang humingi ng paumahin para sa kalupitang nagawa ng mga sundalong Hapon noong World War II, bukod pa sa pagplantsa ng Japan sa pagbabayad-danyos sa mga biktima sa pamamagitan ng 1951 San Francisco Peace Treaty.

“We fully recognize that the dignity and honor of those former comfort women was injured, and to that, the government of Japan has been extending, expressing apologies, and deep remorse for those actions during the war,” ayon kay Kaneko sa isang panayam.

Noong nakaraang linggo, inulit ni Senador Risa Hontiveros ang kanyang panawagan para sa “just and meaningful reparations” para sa Filipino comfort women at pamilya ng mga ito, binigyang-diin na nawawalan na ng panahon ang gobyerno ng Pilipinas na gawin ito.

“Labing-walo na lang ang natitirang Malaya Lolas [there are 28 remaining comfort women]. They cannot wait any longer,” ayon kay Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality.

“President Marcos and the entire administration must make good on their promise to extend aid and assistance to them. Hindi dapat hayaan ng ating gobyerno na pumanaw sila nang hindi nakakamtan ang hustisya para sa kanila,” dagdag niya.

Matatandaang Marso 2023 ay nangako ang gobyerno ng Pilipinas na pagtutuunan ng pansin ang United Nations (UN) panel report na nagsasabing nabigo ang Pilipinas na magawa ang obligasyon nito sa comfort women.

Hinikayat naman ng UN Committee on the Elimination of Discrimination against Women (CEDAW) ang Pilipinas na magbigay sa mga biktima ng “full reparation, including recognition and redress, an official apology, and material and moral damages” para sa nagpapatuloy na diskriminasyon. Kris Jose