Home NATIONWIDE ‘Bring PRRD Home’ Red Ribbon panawagan ni VP Sara

‘Bring PRRD Home’ Red Ribbon panawagan ni VP Sara

MANILA, Philippines – Binago ni Bise Presidente Sara Duterte ang kanyang profile photo sa Facebook, gamit ang pulang ribbon na may nakasulat na “Bring PRRD Home” at ang signature fist sign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos itong arestuhin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa mga kasong crimes against humanity.

Dinala si Duterte sa The Hague, Netherlands noong Marso 11 para sa pagdinig ng kanyang kaso. Lumipad din si VP Sara patungong Amsterdam, na malapit sa The Hague, upang magbigay ng suporta sa kanyang ama.

Dahil sa mga pangyayaring ito, kinumpirma ng Office of the Vice President na hindi na siya makakadalo sa Araw ng Dabaw festivities na nakatakda sa Marso 16 at 17, kabilang ang parada at pagbisita sa Davao City Museum.

Nang tanungin tungkol sa posibilidad ng pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028, itinanggi ni VP Sara ang usapin at sinabing ang kanyang pangunahing layunin ngayon ay pauwiin ang kanyang ama at suportahan ang siyam na kandidato ng PDP-Laban sa darating na halalan. RNT