Home NATIONWIDE BSKE election postponement muling iginiit

BSKE election postponement muling iginiit

MANILA, Philippines – Magbibigay ng stability sa democratic exercise ng bansa kung idaraos sa 2026 ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa halip na gawin ito sa 2025, ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.

“We will in fact put back consistency, constancy and stability in the BSKE once the Congress writes new legislation setting the next BSKE in October 2026, in lieu of December next year as now scheduled, in conformance to the electoral mandate of our Constitution and the 1991 LGC for our local elective executives such as barangay and SK officials to serve for three-year terms,” paliwanag ni Villafuerte.

Ayon pa kay Villafuerte ang pagpapaliban sa BSKE to 2026 ay alinsunod din sa 1987 Constitution at Local Government Code (LGC).

Si Villafuerte ang syang naghain ng House Bill 10344 na nagsusulong na ipagpaliban ang BSKE election.

Ani Villafuerte kung idaraos ang eleksyon sa 2025 ay 2 taon lamang makapagsisilbi ang mga incumbent officials na hindi wasto.

“To serve for just two years will mean “shortchanging both these elective officials and their respective constituents who had voted them to office as their shorter terms diminishes the obligations of the incumbent BSK officials to serve their constituents, and lessens their accountabilities in the exercise of the power vested in them by the people’s free choice,” ayon pa sa mambabatas.

Giit pa ng mambabatas malinaw na kapag sinabing elective term ay nanganavhulugan ito na ” full term” na 3 taon at hindi 2 taon. Gail Mendoza