Home NATIONWIDE Brunei, Singapore sunod na byahe ni PBBM

Brunei, Singapore sunod na byahe ni PBBM

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG bumiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungong Brunei Darussalam para sa isang state visit at Singapore para naman sa defense summit sa susunod na linggo.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) pokesperson Maria Teresita Daza na nakatakdang bumiyahe sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta Marcos sa Brunei mula May 28 hanggang 29 para sa state visit bilang tugon na rin sa imbitasyon ng Kanyang Kamahalan Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah, at pagkatapos ay didiretso naman sa Singapore mula May 30 hanggang 31 para magsalita sa International Institute for Strategic Studies’ (IISS) Shangri-La Dialogue.

Sinabi ni Daza na inaasahan na magkakaroon ang Pangulo ng bilateral meetings sa Brunei Sultanate at bibisitahin ang Filipino community doon.

“While in Brunei, the President will be meeting with His Majesty, the Sultan,” ayon kay Daza sabay sabing “The President will also meet with the Filipino community where he will highlight the contribution of more than 20,000 Filipinos currently residing in Brunei.”

“There will be a business forum where the President will meet with top members of the business sectors to promote trade and investment relations between the Philippines and Brunei Darussalam,” ayon kay Daza.

Aniya pa, ang dalawang bansa ay ‘strong regional partners at miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA).

Sa Singapore, sinabi ni Daza na ang Pangulo ay nakatakdang magbigay ng kanyang keynote address, tanda ng pagbubukas ng 21st edition ng IISS Shangri-La Dialogue.

Ang Shangri-La Dialogue ay isang taunang inter-governmental security forum, dinadaluhan ng defense at military officials at eksperto at maging ng mga business leaders para pag-usapan ang mga mahahalagang security challenges sa buong mundo.

“The dialogue will provide a good platform for defense ministers, military chiefs, government officials, and security experts around the world to discuss and address regional and global security challenges,” ayon kay Daza.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Office of the Asian Pacific Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau na ang partisipasyon ni Pangulong Marcos sa summit ay magiging isang “distinct honor,” dahil siya ang magiging kauna-unahang Filipino president na magde-deliver ng kanyang keynote address sa dayalogo.

Sa kabilang dako, makakapulong naman ng Pangulo ang bagong liderato ng Singapore, President Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister Lawrence Wong.

Magkakaroon din ang Pangulo ng maikling pagpupulong kasama si dating prime minister at kasalukuyang senior minister Lee Hsien Loong sa sidelines ng Shangri-La Dialogue. Kris Jose