Naples, Italy – Itsura ni Dora the Explorer ang peg ni Sharon Cuneta!
Habang sinusulat namin ito’y panay galugad sa Europe ang ginagawa ng Megastar.
On vacation ang singer-actress kasama ang bunsong anak na si Miel.
Sinamantala na ni Sharon ang pakikipag-bonding kay Miel “before we bring her to NYC this year!”
Sa New York kasi nakatakdang mag-college si Miel.
Pag nagkataon, tanging si Miguel lang na adopted child nila ni Kiko Pangilinan ang maiiwan kasama ni Sharon dahil sa New York din nag-aaral si Frankie.
Sa isang bahagi ng vlog, makikitang rumarampa sina Sharon at Miel sa Italy.
Inihalintulad pa ng Megastar sa Baclaran ang isang parte doon sa Naples.
May mga kuha rin sila with friends.
Nasabihan pa ngang matapobre si Sharon for calling one in the group bilang “yaya” gayong nanny naman Ito.
Pero dedma lang si Sharon sa matapobre comment.
Samantala, ang mas inaantabayanan ng mga netizens ay ang comment ni Sharon sa Mother’s Day vlog ni KC Concepcion.
Much to their disappointment, kung paanong dedma ang Megastar sa matapobre comment ay dedma rin ito pertaining to her first daughter’s vlog.
Pagod na nga yata talaga si Sharon na ipagsiksikan ang sarili kay KC! Ronnie Carrasco III