Home NATIONWIDE Utos ng Tsina na ikulong mga SCS ‘trespassers’ sinita ni Gibo

Utos ng Tsina na ikulong mga SCS ‘trespassers’ sinita ni Gibo

MANILA, Philippines – INILARAWAN ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na “provocation” ang naging direktiba ng Tsina na arestuhin ang mga “trespassers” sa West Philippine Sea (WPS).

“It is not trespassing, ‘di ba? They threatened to arrest. That is a provocation and a violation to me of the United Nations charter,” ayon kay Teodoro sa isang panayam sa idinaos na Philippine Navy anniversary celebration sa headquarters nito sa Maynila.

Sa naging talumpati ni Teodoro sa naturang seremonya, tinawag ni Teodoro ang naging banta ng Tsina na “roguish” at “irresponsible.”

“I believe what a provocation is, is the roguish and irresponsible threat to detain quote unquote trespassers in what is claimed as internal waters, but is actually part of the high seas and part of the West Philippine Sea, by a country,” aniya pa rin.

Ani Teodoro, ang naging direktiba ng Tsina ay isang paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at UN charter.

“Such behavior is not only a violation of UNCLOS but also a violation of the precepts of the United Nations charter which lays upon each responsible member state the duty to refrain from the threat or the use of force or aggression to enforce particularly in this case illegal territorial claims in the maritime domain,” aniya pa rin.

Nauna rito, nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na poprotektahan ang mga filipino sa gitna ng paglalabas ng patakaran ng China na pigilan ang mga magte-trespass sa WPS.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na hindi katanggap-tanggap ang naturang patakaran.

Inihayag ito ng Pangulo matapos ipag-utos ng Chinese government sa Coast Guard nito na ikukulong ang mga dayuhan ng hanggang 30 araw kung lalabag sila sa exit-entry rules ng China.

Sa isang panayam sa Makati City, sinabi ng Chief Executive na hindi katanggap-tanggap ang kamakailang utos ng China.

“That kind of action would be completely unacceptable to the Philippines,” aniya sa panayam nitong Sabado, Mayo 18.

Bagama’t hindi siya nagpahayag ng karagdagang detalye, sinabi ni Pangulong Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat para protektahan ang mga mangingisdang Pinoy sa gitna ng tumitinding tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.

“I do not talk about the operational details so we will leave it to us. But the position we take is that is unacceptable,” ani Pangulong Marcos.

“We will take whatever measures to always protect our citizens,” dagdag pa niya. Kris Jose