Home HOME BANNER STORY BSKE reset, 5-year term ng mga politiko dedesisyunan ng Senado ngayong linggo

BSKE reset, 5-year term ng mga politiko dedesisyunan ng Senado ngayong linggo

1
0

MANILA, Philippines – Pagdedesisyunan ng Senado ang panukalang batas na layong ipagpaliban ang November 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at pagdaragdag ng term of office ng barangay at SK officials mula apat patungong limang taon, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Linggo, Setyembre 6.

Sa panayam ng DZBB, sinabi ni Gatchalian na pag-uusapan ng Senado ang panukalang BSKE reset at pag-ayos ng termino ng mga opisyal ngayong linggo.

“We will discuss it this week. There should be a decision this week on whether the elections will push through because the filing of candidacies is at the end of the month,” sinabi ni Gatchalian.

Aniya, ang desisyon ay dapat na gawin bago matapos ang linggo dahil may mga panukala pang kailangang dumaan sa bicameral conference committee, at raratipikahan ng dalawang kapulungan, at publikasyon.

Isa sa mga magandang dulot umano ng pagpapaliban ng BSKE at pagsasaayos ng termino sa limang taon ay ang matitipid sa pag-aalis ng gastos sa isang election cycle.

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nakagastos na ito ng P8 bilyon sa P19 bilyong budget para sa BSKE.

Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, hindi na magagamit ang ilang election supply kabilang ang indelible ink kung maipagpapaliban ang halalan.

Samantala, sinabi ni Gatchalian na ang isa naman sa disadvantage ng pagpapalawig ng termino sa limang taon ay maghihintay ng mas mahaba ang eletorate bago mapalitan ang isang walang kwenta o absenerong na kapitan ng barangay.

Ang Senado ay magkakaroon ng break sa Oktubre 8 o 9, at dapat ay maaprubahan na ang mga panukalang batas bago nito.

Inihain ni Senador Francis Escudero ang Senate Bill No. 2387, na layong amyendahan ang Republic Act No. 12232, o “Act Setting the Term of Office of Barangay Officials and Members of the Sangguniang Kabataan, and for Other Purposes.”

Ani Escudero, layon ng panukalang batas na ayusin, sa halip na i-extend o ipagpaliban, ang termino ng barangay at SK officials mula sa apat patungong limang taon.

Inihain naman ni Senador Imee Marcos ang Senate Bill No. 2067, na naglalayong ilipat ang BSKE mula Nobyembre 2026 patungong Oktubre 2027 dahil ang itinakdang election date ay tumapat ng All Soul’s Day ngayong taon.

Noong Agosto ay inaprubahan ng Senate panel ang panukala.

Sakabila nito, sinabi ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na ang BSKE ay dapat na ituloy dahil sa fiscal strain, Middle East oil crisis, at travel costs.

Ganito rin ang pananaw ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) dahil nagpapatuloy na ang paghahanda para sa BSKE. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here