MANILA, Philippines – Hinimok ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Linggo, Setyembre 6, ang mga awtoridad na seryosohin ang mga sinabi ni Vice President Sara Duterte na may mga banta at panghaharass siyang nararanasan.
Ito ay kasunod ng paglalabas ng arrest warrant laban sa kanya.
“Dapat kung meron man banta, kung meron nararamdaman o nakikita ang Bise Presidente na banta sa kanyang buhay at pamilya, dapat seyosohin ito,” sinabi ni Gatchalian sa panayam ng DZBB.
“Nanawagan din ako sa ating kapulisan na on their own dapat imbestigahan kung saan nangagaling itong banta dahil hindi maganda ito,” dagdag pa niya.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na mahalaga ang kaligtasan ng bawat isa, ito man ay senior public official o ordinaryong Filipino.
“Ikaw man ay Bise Presidente o ordinaryong mamayanan, dapt protektahan ang ating pamahalaan sa ganyang banta at hindi magagadang pwede mangyari sa kanilang pamilya,” sinabi pa ni Gatchalian.
Matatandaan na noong Sabado ay nagpiyansa si Duterte sa korte sa Quezon City isang araw matapos ilabas ang arrest warrant laban sa kanya dahil sa grave threats.
Sa pahayag, sinabi ni Duterte na hindi na niya nararamdamang siya ay ligtas.
“I have documented threats and harassment since 2023. I fear for my children. I do not feel they are safe if I am with them,” sinabi ni Duterte.
“Umalis na nga ako kung nasaan mga anak ko para pumunta sa korte pero pumunta pa rin ang pulis,” dagdag pa niya.
“I do not feel safe. Pakiramdam ko papatayin nila ako.”
Samantala, sa hiwalay na panayam, sinabi ni Lanao del Sur Rep Zia Alonto Adiong, House Trial spokesperson, na dapat imbestigahan ang banta kay Duterte.
“Kailangan ‘yung mga nasasabi niya na mga fear for her life, ‘yung mga threat na natatanggap niya in 2023. Talagang absolutely, kailangan imbestigahan ‘yan. Kapag inimbestigahan ito, dapat may basehan,” ani Adiong.
“Itong mga ganitong fear for her life na narratives, it does not sit perfectly well as an indication of someone who is being threatened by the actions that we saw during last year,” pagpapatuloy pa niya.
“Kung seryoso talaga, dapat hindi siya nagre-request ng mga travel authority. It’s not an indication of someone who fears for her life tapos requesting for travel around many countries. Hindi ‘yun ang nakikita natin for someone who prioritize foreign trips over her own personal security,” dagdag pa nito.
Para kay Adiong, ang pahayag ni Duterte ay nagpapahiwatig ng kawalan nito ng tiwala sa mga awtoridad, kaysa sa takot sa kanyang personal na kaligtasan.
“Hindi lang sa mga pulis at korte [walang tiwala si VP Duterte], in fact initially, wala siyang tiwala sa kanyang mga abogado,” sinagbi ni Adiong. RNT/JGC