Home NATIONWIDE Luzon, Visayas patuloy na naaapektuhan ng Habagat

Luzon, Visayas patuloy na naaapektuhan ng Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy na naaapektuhan ng Habagat ang Luzon at Visayas ngayong Lunes, Setyembre 7.

Ayon sa PAGASA, ngayong Lunes, ang Zambales, Bataan, Batangas, at Occidental Mindoro ay makararanas ng occasional rains dahil sa Habagat.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, Abra, Benguet, Antique, at nalalabing bahagi ng rest of Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa Habagat.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa kaparehong weather system, habang localized thunderstorm naman ang magdadala ng ganitong panahon sa Mindanao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here