Home OPINION PAGPIYANSA NI VP SARA, MEDIA AT MAMAMAYAN

PAGPIYANSA NI VP SARA, MEDIA AT MAMAMAYAN

2
0

WALANG naging aberya sa pagpiyansa ni Vice President Sara Duterte nitong Sabado ng umaga sa Quezon City Regional Trial Court Branch 98 sa ilalim ni Presiding Judge Maria Angelica P. De Ramos.

Ang tanging inalala lang ni VP Sara ay ang banta sa kanyang seguridad at buhay na maaaring sirain ng siraulong awtoridad na naroon sa lugar o siraulong lider na kayang mag-utos ng kahit sino, kahit saan at kahit kailan para ilagay sa kapahamakan ang kanyang buhay.

On the spot, inalaala niyang sa hagdan pa nga (ng eroplano sa ngayo’y Ninoy Aquino International Airport) binaril at pinatay si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong Agosto 21, 1983.

Sa rami nga naman ng mga may baril sa paligid na nakita mismo nito.

Sa kabila rin ng pagsasabi ni VP Sara na halos wala siyang pinagkakatiwalaan sa kanyang paligid, sa labas at loob ng korte, kahit pa ang mga nakatalagang security niya dahil itinalaga ang mga ito ng mga kalaban niya sa pulitika at hindi niya personal na pinili, nakita pa ring naging propesyunal ang mga pulis na nakapaligid sa pagprotekta sa kanya.

Lumitaw na alam at nakamasid si Philippine National Police chief Jose Melencio Nartatez sa pangyayari na nagtagal lamang ng mahigit isang oras mula sa pagdating ni VP Sara sa harapan ng korte hanggang sa makasakay ito ng kanyang sasakyan paalis.

Halos isang oras na tumambay sa harapan ng korte ang Bise Presidente bago ito nakumbinse nang buo nina Atty. Michael Poa, Paul Lawrence Lim at Clifford Chua na ligtas siyang pumasok sa korte upang magpiyansa.

Naging ligtas si VP Sara sa kulungan o kaya’y kamatayan sa kabuuan.

Kaiba ito sa bandang hapon ng Biyernes na may pulis na nagsabing “walang dumating” kaya “wala silang aarestuhin.”

Kaiba rin sa klarong banta kaugnay ng pagpunta umano ng mga pulis sa anak at ina ni VP Sara bago nagpunta si VP Sara sa korte.

SA MEDIA, TAUMBAYAN NAGTIWALA

Mayroon lang napakahalaga na ginawa ni VP Sara sa pagkakataong ito.

Nilubos niya ang pagtitiwala sa media at taumbayan na naroroon para protektahan siya.

Nakiusap siyang samahan siya ng media sa harapan at likod niya sa kabila ng mga security personnel na nakapaligid sa kanya at walang kaabog-abog naman ang mediamen na walang armas kundi mga camera, cellphone, papel at bolpen na sumama sa kanya paakyat at pababa sa limang gusaling panghukuman.

Sumama rin ang ibang mga supporter bagaman hinarang sila bago ang pintuan ng kwarto ng korte na roon nagpiyansa siya.

Saludo tayo sa mediamen na sumama kay VP Sara hindi lang dahil dahil sa siyang opisyal kundi tao siyang dapat bigyan ng proteksyon mula sa hindii maganda o kaya’y mapanganib na kalagayan.

YAKAP NG MAMAMAYAN

Naging kakaiba rin ang yakap ng dalawang babaeng nagkaroon ng pagkakataon na umiiyak na yumakap at niyakap din ni VP Sara bago siya sumakay ng sasakyan at umalis sa lugar.

Sa pangyayaring iyon, hindi na kailangan ng anomang paliwanag.

Nguni naganap ang mga ito na nagpapakita na sa kabila ng paninira kay VP Sara, may mga may malalalalim na nagpapahalaga sa kanya bilang lider ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here