Home OPINION MUGSHOT NI VP SARA MALIIT NA BAGAY PERO PINALOLOBO NG MGA UNGAS

MUGSHOT NI VP SARA MALIIT NA BAGAY PERO PINALOLOBO NG MGA UNGAS

1
0

NAPAKALIIT na usapin ang pagkakaroon ng mug shot ng isang akusado sa kasong kriminal ngunit pinalolobo ito na parang iyon na ang pinaka-tanda ng pagiging guilty o kriminal ni Vice President Sara Duterte sa kinahaharap nitong kasong Grave Threats sa Quezon City Regional Trial Court Branch 98 sa ilalim ni Presiding Judge Maria Angelica P. De Ramos nitong nakaraang Biyernes.

Napakaliit na bagay dahil bahagi lang ito ng mga proseso para sa paglalagak ng piyansa sa korte o kaya’y pagre-record ng pulisya ng larawan ng kanilang inarestong suspek o akusado sa krimen.

Sa kaso ni VP Sara, nagkaroon siya ng apat na set ng mug shot o larawan sa mukha sa harap at magkabilang pisngi na may pirma sa likod ng bawat larawan, ayon sa rekisitos ng batas bago nagpunta sa nasabing korte para magpiyansa.

Boluntaryo siyang pumunta sa korte at hindi na siya dumaan sa pulisya para magpa-booking para kunan siya ng mug shot ng pulisya.

Hindi nga kinakailangang para sa huling mga araw ang mga larawan kundi sa loob ng nakalipas na anim na buwan, ayon sa Office of the Court Administrator Circular No. 204-2022-AA na ibinase naman sa tadhana ng Section 2, Rule 114 ng Rules of Revised Criminal Procedure.

Nakikita natin ang mga prosesong personal sa mga boluntaryong pagsuko sa pulisya o korte o kaya’y pagkakaaresto ng suspek o akusado at hindi kinakailangang pagsuutin ito ng damit-pampreso.

Ano ngayon ang iniiyak ng mga kritiko ni VP Sara na hindi patas ang batas…na iba ang pagpaiiral ng batas sa mga maliliit kumpara sa mga malalaki sa lipunan?

Eh batas mismo gaya ng nasabing OCA Circular at Rules of Revised Criminal Procedure ang nagtatadhana ukol sa mugshot.

Baka naman gusto lang nilang magpropaganda o pagsisiraan sa bisa ng litratong pampreso si VP Sara mula sana noong Sabado hanggang dumating ang halalang 2028?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here