Home TOP STORIES BTS for Students and Learners Act, inihain sa Senado

BTS for Students and Learners Act, inihain sa Senado

78
0
Inihain ni Senador Mark Villar ang "Boosted Technology Subsidy (BTS) for Students and Learners Act" upang bigyam ang mga kwalipikadong mag-aaral ng hanggang ₱30,000 na subsidy sa gadget, internet allowance, at access sa AI tools. Layunin ng panukalang ito na punan ang kakulangan sa teknolohiya at matiyak na ang bawat kabataang Pilipino ay handa para sa kinabukasan.

MANILA, Philippines – Naghain si Senator Mark Villar ng Senate Bill No. 2048 o “Boosted Technology Subsidy (BTS) for Students and Learners Act,” na layong palawakin ang digital access ng mga mag-aaral sa bansa.

Saklaw ng panukala ang mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan, State Universities and Colleges (SUCs), Alternative Learning System (ALS), at iba pang kinikilalang programa. Layunin nitong tugunan ang kakulangan sa digital infrastructure at access sa learning tools na binigyang-diin ng EDCOM 2, partikular para sa mga estudyanteng mula sa low-income households.

“This is an investment in our youth and in the future of our country. By making digital learning accessible to all, we are strengthening our education system and opening more opportunities for every Filipino learner.” ani Villar.

Sa ilalim ng BTS program, makatatanggap ang mga kwalipikadong mag-aaral ng hanggang ₱30,000 gadget subsidy, kasama ang pocket Wi-Fi, monthly internet allowance, at access sa artificial intelligence (AI) tools para sa pag-aaral at pananaliksik.

“Sa pamamagitan ng panukalang ito, mas magiging handa at competitive ang ating mga mag-aaral. Hindi na nila kailangang manghiram ng gadget o lumabas pa sa kanilang mga bahay or paaralan para lamang makapag-research at makagamit ng internet, bibigyan din sila ng access sa mga AI tools para mas mapadali ang kanilang pag-aaral” ani Villar.

Nakasaad din sa panukala ang mga safeguard na nagbabawal sa pagbebenta, pagpapaupa, o paglilipat ng subsidized devices at services bago matapos ang pag-aaral, na may kaakibat na diskwalipikasyon sa programa kapag nilabag.

Hinihikayat din nito ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pamamagitan ng mga insentibo sa ilalim ng Adopt-A-School Act of 1998, upang makapagbigay ng donasyon na digital devices at serbisyo para sa mga mag-aaral.

“Ito ang pangarap natin para sa susunod na henerasyon—isang digitally empowered, proficient, at tech-savvy na kabataan na gagamit ng teknolohiya upang iangat ang bansa at kapwa Pilipino,” pagtatapos ni Villar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here