Home NATIONWIDE Budget ng WHO tinapyasan kasunod ng pagkalas ng US

Budget ng WHO tinapyasan kasunod ng pagkalas ng US

274
0

MANILA, Philippines- Sinubukan ng World Health Organization (WHO) na patatagin ang pananalapi nito sa taunang pagpupulong na natapos noong Martes ngunit nananatiling kulang pa rin sa pag-abot sa nabawasang target nito.

Matapos mag-withdraw ang pinakamalaking donor– ang Estados Unidos, binawasan ng WHO ang mas maliit na budget nito para sa 2026-2027 mula $5.3 bilyon sa $4.2 bilyon.

Ang program budget ng UN health agency para sa 2024-2025 ay $6.8 bilyon.

Ang pinakamaliit na budget plan ay inaprubahan sa panahon ng World Health Assembly na nagsilbi bilang WHO decision-making body.

Ngunit nananatili ang agwat sa pagpopondo na humigit-kumulang $1.7 bilyon.

Noong 2022, sumang-ayon ang mga miyembrong estado na taasan ang kanilang mga na-assess na kontribusyon upang kumatawan sa 50 porsyento ng pangunahing badyet ng WHO sa pinakahuling cycle ng 2030-2031 — na nagbibigay sa WHO ng mas matatag, flexible at predictable na mga stream ng kita.

Itinaas nila ang mga bayarin sa membership ng 20 porsyento bilang bahagi ng 2024-2025 na badyet.

Inendorso rin nila ang 2026-2027 na badyet ng WHO na $4.2 bilyon.

“We have now secured 60 percent of our base budget for 2026-2027; a remarkable result in today’s financial climate,” sabi ni Hanan Balkhy,  Eastern Mediterranean regional director ng WHO.

Ngunit nangangahulugan ito na ang ahensya ay kulang pa rin ng $1.7 bilyon, sa kabila ng pinakamababang badyet. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here