MANILA, Philippines- Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal na nag-aalok ng babae na karamihan ay menor-de-edad para sa prostitusyon para sa halagang P10,000.
Sa anunsyo nitong Biyernes ng ahensya, nanguna ang NBI-Organized and Transnational Crime Division (OTCD) sa pag-aresto sa isang alyas Patricia sa entrapment operation sa Maynila noong Hulyo 3.
Nilabag ni Patricia ang Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children (OSAEC) ang Trafficking in Persons Act of 2003, at ang Special Protection of Children Againts Abuse, Abuse Exploitation and Discrmination Act.
Sinabi NBI Director Jaime Santiago na nag-ugat ang operasyon mula sa impormasyon mula sa non-government organization na Destiny Rescue Pilipinas Inc.
Nagbigay ng tip ang NGO sa NBI na si Patricia ay may mga hawak na babae na ibinibenta naman sa pamamagitan ng social media sa halahgang P5,000 hanggang P10,000 bawat isa. Nalaman na ang mga biktima ay nanunuluyan sa condominium na inuupahan ng suspek.
Sinabi ni Santiago na ang OTCD ay nakipag-usap kay Patricia sa social media at nakuha ang kanilang numero.
Personal ding nasaksihan ng undercover agent na si Patricia ay nag-aalok ng babae sa pamamagitan ng surveillance operation. Tinawagan din ng undercover agent si Patricia para sa babae para sa isang party.
Pumayag naman si Patricia at kalaunan ay naghatid ng limang babae sa isang condominium unit sa Maynila. Nang maibigay ang marked money, agad na hinuli ng NBI ang suspek.
Kasunod nito, limang biktima ang nasagip kabilang ang apat na menor-de-edad. Iprisinta na rin ang suspek para sa inquest proceedings. Jocelyn Tabangcura-Domenden