Home OPINION BUHAY ARTISTA AT PULITIKA NI ANGELIKA DELA CRUZ

BUHAY ARTISTA AT PULITIKA NI ANGELIKA DELA CRUZ

122
0

ISA sa pinakamagaling at ‘most-sought-after’ na Filipina actress noong kanyang kapanahunan –  kaya tiyak na walang hindi nakakikilala kay Angelika dela Cruz.

Hindi lang sa Pilipinas sumikat kundi kilala rin sa ibang bansa si Angelika dahil sa mga pelikula na tumatak at umani ng papuri’t tagumpay sa mga banyaga.

Bukod sa artista at singer si Angelika, lingid marahil sa kaalaman ng nakararaming tagahanga, siya ay isang halal na lingkod bayan ng lungsod ng Malabon.

Nagsimula ang political career ng aktres nang manalong kapitana o chairwoman ng Barangay Longos, Malabon City sa eleksyon ng barangay noong 2013.

 Sinundan ni Angelika ang yapak ng yumaong ama – dating Chairman Ernie dela Cruz na itinuturing na ‘arkitekto’ sa progresibo na ngayong estado ng brgy Longos.

Sa halos dalawang dekada sa pwesto, marami ang nagtangkang sungkitin ang liderato ng Pamahalaang Pambarangay subalit hindi natinag si Angelika at ama sa posisyon.

Ito’y marahil, maliwanag sa kalooban ng mga residente na ginawa ng ama at ipinagpatuloy ni Angelika ang totoong serbisyo na dapat makamit ng mga kabarangay.

Sa pinilakang -tabing ay kinagigiliwan si Angelika dahil sa angking talino bilang artista at iyan ay nakikita rin sa kanyang pausbong na political career.

Ayon sa supporters ni Angelika, sa matagal na panahong “Kabeza de Barangay” ng Longos, hindi kinakitaan ito ng interes na sumabak sa mas mataas na posisyon sa pulitika.

Dahil sa dumaraming panawagan na palawakin ang paglilingkod ay tinanggap ang hamon na sumali sa Vice Mayoralty race sa paparating na 2025 midterm elections.

Hindi maitatatwa na sa ating bansa, tinatangkilik ng mga botante ang mga  artista, ganoon din ang ‘face value’ ng kandidato kaya sa usaping ito ay bentahe na agad si Angelika.

Pero sa seryosong usapan, may paliwanag si Rey John Jumao-as, adviser at political officer ng aktres.

Aniya, sa pagtahak sa daan para marating ang city hall, walang maipagmamalaki at maipapangako si Angelika kundi ang mithing makapaglilingkod nang totoo sa mga taga-Malabon.

Ang kanyang kuwento ay patunay na kaya niyang magningning, hindi lamang sa harap ng camera, kundi maging sa paglilingkod sa bayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here