Home ENTERTAINMENT Bukol ni Ate Gay, umimpis!

Bukol ni Ate Gay, umimpis!

303
0

Manila, Philippines – Wagas na kung makatawa ngayon si Ate Gay.

Paano naman kasi’y matagumpay ang radiation treatment niya.

Ayon sa kanyang oncologist, ang chemotherapy at radiation treatment ng standup comedian ay tatagal nang 35 days.

Nagsimula na ang kanyang radiation nitong September 29 sa Asian Hospital and Medical Center.

“In three days, ang bilis! ‘Yung bukol ko sa leeg na 10 cm, 8.5 na! Salamat po sa mga dasal!” post ni Ate Gay na na-diagnose na may Stage 4 cancer.

While undergoing treatment, nasa libreng condo unit si Ate Gay sa Las PiƱas.

Sa katunayan, ang driver ng Grab taxi na sinakyan niya papuntang ospital ay hindi na siya pinagbayad.

At the hospital, sagana rin ang komedyante sa mga pagkain at prutas mula sa kanyang mga bisita.

Bumilib din ang mga nurse sa kanya dahil naitawid niya ang unang araw ng kanyang radiation treatment.

Tunay ngang napakamakapangyarihan ang dasal. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here