Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon nagbuga ng 300 metrong ash plume

Bulkang Kanlaon nagbuga ng 300 metrong ash plume

MANILA, Philippines – Nagbuga ng 300 metrong taas ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong hapon ng Pasko, Disyembre 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa abiso, ang ash emission mula sa Bulkang Kanlaon ay naitala sa pagitan ng 3:30 ng hapon hanggang 4:35 ng hapon.

“These events generated grayish plumes that rose 300 meters above the crater before drifting southwest as recorded by the Kanlaon Volcano Observatory – Canlaon City Basler and IP camera,” anang ahensya.

Nananatili sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Kanlaon.

Bago ang pinakahuling ash event, naitala ang apat na kaparehong emissions sa bulkan nitong Martes ng umaga na nagresulta sa 1,200 metrong taas ng abo.

Nakapagtala rin ng ash emissions nitong Lunes, isa sa umaga at tatlo sa gabi.

Matatandaan na sumabog ang Bulkang Kanlaon noong Disyembre 9 na nagdulot ng voluminous plume na umabot sa 3,000 metro ang taas. RNT/JGC