MANILA, Philippines – NAGBUGA ng makapal na usok ang bulkang Kanlaon na may 950 metrong taas habang 67 volcanic earthquakes ang naitala sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkan iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes, Hunyo 23.
Ayon sa Phivolcs nakataas sa alert level 3 ang paligid ng bulkang Kanlaon at namataan din ang pamamaga ng bulkan.
Kaugnay nito inirekomenda rin ng Phivolcs ang paglikas ng mga residente na naninirahan malapit sa 6-kilometro radius mula sa tuktok ng bulkan.
Ipinagbabawal din ng ahensya ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
Nagbabala rin ang Phivolcs na maaaring maganap ang mga sumusunod sa paligid ng bulkang gaya ng biglang pagsabog, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo at pagguho ng mga bato, pagdaloy ng lahar sakaling bumuhos ang malakas ng ulan sa paligid ng bulkan. Santi Celario