Home METRO Bulkang Kanlaon, sumabog ulit

Bulkang Kanlaon, sumabog ulit

193
0

MANILA, Pilipinas — Nagkaroon ng moderately explosive eruption ang Bulkang Kanlaon nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Seismology and Volcanology (Phivolcs).

Sa advisory na inilabas alas-7:13 ng gabi, sinabi ng Phivolcs na naganap ang pagsabog eksaktong alas-7:04 ng gabi at tumagal ng dalawang minuto batay sa seismic at infrasound records. Naganap ito isang linggo matapos ang naitalang moderately explosive eruption noong Pebrero 19.

“This event generated a plume that rose 2,500 meters above the crater before drifting southwest,” ayon sa Phivolcs.

“Incandescent ballistics were observed to have rained around the crater while pyroclastic density currents or PDCs descended the eastern and southeastern upper slopes within 2 kilometers of the summit crater,” dagdag pa ng ahensya.

Ayon sa Phivolcs, agad na sinundan ang pagsabog ng tuloy-tuloy na pagbuga ng abo na nagpatuloy hanggang alas-8:30 ng gabi. Sa mensahe sa mga mamamahayag sa pamamagitan ng Viber, sinabi rin ng ahensya na ang PDCs mula sa itaas na bahagi ng bulkan ay nagdulot ng sunog sa kagubatan sa La Castellana, Negros Occidental.

Iniulat ng mga residente sa karatig-lugar na nakarinig sila ng malakas na pagsabog at nakaramdam ng bahagyang pagyanig ng lupa. Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng ashfall at pyroclastic flows na maaaring makaapekto sa mga kalapit na komunidad.

“It was a moderately explosive eruption,” ayon kay Phivolcs volcanologist Mari Andylene Quintia.

Ayon naman kay Remuel Lajo, public information officer ng La Castellana, nakarinig sila ng malakas na pagsabog at nakaramdam ng bahagyang pagyanig. “Fire could be seen coming out of the crater,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here