Home NATIONWIDE P100M lotto jackpots, mailap sa mananaya

P100M lotto jackpots, mailap sa mananaya

127
0

MANILA, Pilipinas — Walang nakapag-uwi ng jackpot sa draws ng Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 nitong Huwebes, Pebrero 26, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Lumabas sa Super Lotto 6/49 ang kombinasyong 22-44-13-30-26-46 para sa jackpot na nagkakahalaga ng ₱73.77 milyon, ngunit walang tumama sa lahat ng anim na numero.

Sa Lotto 6/42, nabunot ang 09-02-11-41-20-27 para sa jackpot na ₱27.49 milyon. Wala ring nanalo sa naturang premyo.

Sa minor games, walang nanalo sa 6D Lotto (3-7-2-9-1-8) para sa ₱651,035.44 na premyo. Sa 3D Lotto, may 178 nanalo sa 2 p.m. draw (3-9-5), 239 sa 5 p.m. (8-5-4), at 481 sa 9 p.m. (5-2-1), na tumanggap ng tig-₱4,500.

Samantala, sa 2D Lotto, may 457 nanalo sa 2 p.m. (11-25), 71 sa 5 p.m. (29-18), at 592 sa 9 p.m. (09-22), na bawat isa ay tumanggap ng ₱4,000.

Isinasagawa ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo, habang ang Lotto 6/42 ay ginaganap tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here