Home NATIONWIDE Easterlies, magpapaulan sa bansa

Easterlies, magpapaulan sa bansa

156
0

MANILA, Philippines – Makakaranas ng maulap na kalangitan at pulu-pulong pag-ulan ang iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Biyernes dahil sa easterlies, ayon sa PAGASA.

Sa ulat ng state weather bureau alas-2 ng madaling araw, wala umanong binabantayang Low Pressure Area (LPA) na maaaring maging bagyo.

Inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. Nagbabala ang PAGASA na posibleng magkaroon ng flash floods o landslides tuwing may malalakas na thunderstorm.

Katamtamang lakas ng hangin mula hilagang-silangan hanggang hilaga ang mararanasan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao, na may katamtamang taas ng alon sa mga baybayin.

Sa Luzon, magiging mahina hanggang katamtaman ang lakas ng hangin mula silangan hanggang hilagang-silangan, na may banayad hanggang katamtamang pag-alon sa karagatan.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang katamtamang hangin mula hilagang-silangan hanggang hilaga, habang banayad hanggang katamtaman ang kondisyon ng karagatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here