Home HOME BANNER STORY Bulkang Taal nagbuga ng 1.2 kilometrong taas ng ash plume

Bulkang Taal nagbuga ng 1.2 kilometrong taas ng ash plume

401
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Bulkang Taal ng minor phreatomagmatic eruption sa main crater nito, Sabado ng hapon, Oktubre 25.

Nagbuga ito ng 1.2 kilometrong taas ng ash plume, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naganap ang pagsabog 5:30 ng hapon batay sa time-lapse footage na inilabas sa Facebook page ng ahensya.

Ang phreatomagmatic eruptions ay dulot ng pagsasama ng magma at tubig.

Kasalukuyang nakataas pa rin ang Alert Level 1 na babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here