MANILA, Philippines – Nagkaroon na naman ng phreatic eruption ang Bulkang Taal nitong Linggo, Setyembre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Lunes.
Sa bulletin, sinabi ng ahensya na tumagal ang phreatic eruption ng mga dalawang minuto.
Nagbuga rin ang Bulkang Taal ng 1,510 tons ng sulfur dioxide gas nitong Sabado, at namataan ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na nagkaroon ng moderate emission ng plumes ng hanggang 700 metro.
Sa kasalukuyan ay nananatili ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal. RNT/JGC