MANILA, Philippines – Nakapagtala ng maliit na phreatic eruption event ang Bulkang Taal sa Batangas nitong Linggo, Oktubre 6 ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Lunes.
Sa bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na ang phreatic eruption ay tumagal ng isang minuto.
Ang phreatic eruptions ay steam-driven explosions na nangyayari kung maiinitan ang lupa ng magma, lava, mainit na bato o bagong volcanic deposits.
Samantala, nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng moderate emission ng plumes na umabot ng 900 metro ang taas.
Nagbuga rin ang bulkang Taal ng 2,068 tons ng sulfur dioxide gas nitong Sabado, at namonitor ang upwelling ng hot volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Sa kasalukuyan ay nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal. RNT/JGC