Home NATIONWIDE Bumigay na tulay sa Isabela iniimbestigahan na ng DPWH

Bumigay na tulay sa Isabela iniimbestigahan na ng DPWH

MANILA, Philippines – Nagpadala na ng tauhan mula Bureau of Design at Engineering Team ng Central office ang Department of Public Woks and Highways (DPWH) sa Isabela upang alamin ang dahilan ng pagbagsak ng isang tulay noong Pebrero 27.

Ayon kay DPWH secretary Manuel Bonoan, hinihintay na lamang ang report ng highways team upang malaman ang dahilan ng pagbagsak ng segment 3 ng Sta. Maria – Cabagan bridge sa Isabela.

Ito rin ang magiging batayan para sa susunod na hakbang ng DPWH matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na imbestigahan ang naturang insidente.

Paglilinaw naman ni Bonoan, ang nasabing proyekto ay hindi itinayo at idinisenyo sa panahon ng admnistrasyong Marcos.

Pero sa ilalim ng kasalukyang administarsyon ginawa ang retroffiting ng tulay dahil nakitaan ito noon ng problema.

Sa ngayon, tinitignan din ng DPWH ang structural integrity ng tulay para magamit pa rin ng ating mga kababayan.

Maaari namang mapanagot ang mga mapapatunayanag nagkulang o nagpabaya sa naturang proyekto. Jocelyn Tabangcura-Domenden