Home HOME BANNER STORY Buntis, 3 paslit nalibing nang buhay sa landslide sa Batangas

Buntis, 3 paslit nalibing nang buhay sa landslide sa Batangas

153
0

Agoncillo, Batangas – Nalibing nang buhay ang apat na katao matapos ang landslide na naganap sa Barangay Subic Ilaya sa bayan ng Agoncillo bunsod ng hagupit ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina.

Base sa anunsyo ng lokal na gobyerno nangyari ang landslide sa Sitio Manalao, Subic Ilaya.

(c) Magandang Agoncillo Batangas FB Page

Narekober ng awtoridad ang mga bangkay ng biktima ngayong umaga na kinilalang miyembro ng pamilya Rimas.

Kasama sa nasawi ang anim na bywang buntis na edad 28, at tatlong menor de edad na 9, 13, at 15 anyos.

Patuloy ang isinasagawang evacuation ng lokal na pamahalaan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here