Home HOME BANNER STORY State of emergency sa Batangas itinaas sa hagupit ng habagat, bagyong Carina

State of emergency sa Batangas itinaas sa hagupit ng habagat, bagyong Carina

179
0
(c) Go Batangas

MANILA, Philippines – Isinailalim ni Batangas Governor Hermilando Mandanas ang lalawigan sa State of Emergency dahil sa epekto ng Bagyong Carina at ng enhanced southwest monsoon o Habagat.

“By virtue of the authority granted by existing Laws, Governor Hermilando Mandanas, with concurrence of Vice Governor Mark Leviste and the Sangguniang Panlalawigan Members, declares STATE OF EMERGENCY in the Province of Batangas EFFECTIVE NOW, 23 JULY 2024, and promulgate as soon as possible,” ayon sa Batangas Public Information Office.

“This is in view of the effects of enhanced southwest monsoon (habagat) brought by Typhoon #CarinaPH in the province and upon the assessment of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).”

Una rito, idineklara ni Mandanas ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan bukas, HULYO 24, 2024, dahil sa sama ng panahon.

Sa parehong social media account, inihayag niya na “ang mga seminar, kumperensya, pagpupulong, at mga katulad na aktibidad ay sinuspinde rin sa lalawigan hanggang sa susunod na abiso.”

Ang desisyon ay ginawa matapos ang assessment at rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Vice Governor Mark Leviste, at Sangguniang Panlalawigan Members.

“Samantala, ang mga employer, empleyado at lahat ng manggagawa ay mahigpit at seryosong pinapayuhan na gumawa ng pinakamaingat na mga hakbang upang maprotektahan ang kapakanan ng kanilang mga pamilya: buhay, kalusugan at mga ari-arian.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here