Home METRO Buntis, estudyante utas sa landslide sa Benguet, Kalinga

Buntis, estudyante utas sa landslide sa Benguet, Kalinga

339
0

BAGUIO CITY, Philippines – Isang buntis at isang 17-anyos na estudyante and iniulat na namatay sa naganap na landslide dahil sa malakas na pag-ulan sa Mankayan, Benguet at Tabuk City, Kalinga, noong Miyerkules, Setyembre 3, 2025.

Narekober ng mga recuer ang katawan ng biktima ng landslide sa Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Ivy Khate Ogues Dizon, 18, walong buwang buntis, ng Barangay Guinaoang, Mankayan, at isang Grade 11 student mula sa Barangay Bulanao, Tabuk City.

Batay sa ulat, natutulog sa kanilang bahay si Dizon nang biglang gumuho ang pader at natabunan ng lupa ng rumaragasang landslide.

Nang marekober ang katawan nito ay dinala sa ospital sa Buguias, Benguet, ngunit dineklarang patay na.

Samantala, ang biktima sa Tabuk City ay nasa kanyang kwarto nang biglang gumuho ang lupa ng bundok kalapit ng kanilang bahay. Ang ina ng biktima kasama ang pinaka bata nitong anak ay nakatakas sa insidente ngunit naiwan ang biktima sa kanyang silid na natabunan ng lupa.

Narekober ang katawan ng biktima, dinala sa ospital at dineklarang patay na. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here