MANILA, Philippines – Ligtas at matagumpay na nailikas ang isang buntis na ina at sanggol sa kasagsagan ng baha sa Malabon.
Sa pinakahuling situational report ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang sila sa mga inilikas ngayong hapon, Hulyo 23, sa kasagsagan ng baha sa Barangay Hulong Duhat na matatagpuan sa ilalim ng Malabon Bridge.







