Home NATIONWIDE Buong Luzon apektado na ng Amihan, easterlies sa nalalabing bahagi ng bansa

Buong Luzon apektado na ng Amihan, easterlies sa nalalabing bahagi ng bansa

1
0

MANILA, Philippines – Apektado na ng Amihan ang buong Luzon habang easterlies naman ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ngayong Miyerkules, Nobyembre 11, ang Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Davao Region, at Northern Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Ang Camarines Sur, Catanduanes, Albay, at Sorsogon ay makararanas naman ng maulap na kalangitan na may isolated rainshowers at thunderstorms dahil sa shear line.

Maulap na kalangitan na may mga pag-ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, at Camarines Norte dahil sa Amihan.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms ang mararanasan sa Palawan, Masbate, nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa Easterlies.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here