Bulacan – Arestado ang babae matapos umanonv mahulihan ng P520, 000.00 unregistered flavored vape products sa pagsalakay ng mga awtoridad sa lungsod ng Meycauayan nitong Nobyembre 7.
Sa ulat, ikinasa ang operasyon ng CIDG Eastern District Field Unit ng CIDG National Capital Region sa Brgy. Bancal ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, kinilala ang naarestong babae na si alyas “Jean”, businesswoman at nasa hustong gulang.
Nabatid na ang suspek ay naaktuhang nagbebenta ng vaporised nicotine products na required license to operate at Certificate of Product Notification na ipinaguutos ng Department of Trade and Industry (DTI)
Nasamsam sa operasyon ang 1,980 pieces ng assorted flavored vape products na nasa halagang P520,000 na sinasabing hindi nakarehistro sa DTI.
Nahaharap ang businesswoman sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III