Home NATIONWIDE Butas sa Sales Road, natakpan na – MMDA

Butas sa Sales Road, natakpan na – MMDA

MANILA, Philippines – Natakpan na ang malalim na butas na nadiskubre sa Sales Road sa Pasay City nitong weekend.

Ang halos 10-foot na lalim ng butas ay matatagpuan sa eastbound direction ng Sales Road sa pagitan ng Gates 4 at 2 ng Villamor Air Base.

Sinabi ng Department of Public Works and Highways na ang butas ay nasemento na. Matapos itong sementuhin ay lalagyan naman ito ng aspalto.

Inaasahang mabubuksan na sa daloy ng trapiko ang apektadong bahagi ng Sales Road simula Miyerkules ng hapon, Abril 17.

Kasalukuyang nakabukas ang westbound lane ng naturang kalsada para sa mga motorista na pa-silangan habang isinasaayos ang butas. RNT/JGC